Bagong COVID-19 variant naitala na sa Vietnam
Nakapagtala na ang Vietnam ng bagong variant ng COVID-19.
Ayon sa health ministry office ng Vietnam, isang babae ang pasyente na umuwi doon galing Britain.
Agad itong isinailalim sa quarantine nang dumating sa Vietnam.
Sa isinagawang gene-sequencing sa sample na kinuha mula sa pasyente ay natuklasang bagong variant ng COVID-19 ang tumama dito.