Bagong CCTV cameras naikabit na sa mga istasyon ng MRT-3
Upang madagdagan ang seguridad at masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero ng MRT-3, naglagay ng mga bagong closed-circuit television (CCTV) cameras ang pamunuan ng rail line sa mga istasyon nito bilang bahagi ng malawakang rehabilitasyon na isinasagawa sa buong linya.
Sa kabuuan, nasa 59 na mga bagong CCTV camera units ang naikabit na sa North Avenue station, Quezon Avenue station at GMA-Kamuning station.
Nakapaglagay rin ng mga bagong platform monitors sa mga nasabing istasyon.
Target na makapaglagay ng mga bagong CCTV camera units sa lahat ng mga istasyon ng MRT-3 upang maging tulong na mapanatili ang kaayusan sa MRT-3 area.
Mayroon ding mga naka-deploy na mga station at train marshalls sa mga istasyon at loob ng mga tren upang mapanatili ang kaayusan at mapaalalahanan ang mga pasahero sa mga health and safety protocols na ipinatutupad ng linya.