Bagong Binondo-Intramuros Bridge Project mahigit 80 percent nang kumpleto

Bagong Binondo-Intramuros Bridge Project mahigit 80 percent nang kumpleto

Nasa mahigit 80 percent na ang completion rate ng Binondo Intramuros Bridge Project.

Nagsagawa ng inspeksyon si Acting Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Roger Mercado sa ginagawang tulay na magdurugtong sa Binondo at Intramuros sa Maynila.

Ayon sa DPWH, 82.75 percent nang kumpleto ang proyekto.

Inaasahan ani Mercado na matatapos ito sa susunod na taon.

Ang tulay ay pinondohan ng P3.39-Billion na tatawid sa Pasig River.

Bahagi ito ng dalawang proyekto na pinondohan sa pamamagitan ng pamahalaan ng China.

Ang isa pang China-granted na proyekto ay ang Estrella-Pantaleon Bridge na nagdurugtong sa Makati at Mandaluyong ay natapos na at nadaraanan na muli ng mga motorista. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *