Baganga, Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang pagyanig sa layong 72 kilometers northeast ng bayan ng Baganga alas 5:04 ng umaga ngayong Miyerkules (Jan. 27).
May lalim na 16 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks. (D. Cargullo)