Baby River: Anghel na walang malay, nadamay sa isyung politikal
Sino nga ba ang dapat managot sa isyu ng pagkamatay ni baby River?
Malinaw pa sa sikat ng araw ang
pagsakay sa usapin ng mga pro at anti-administration. Naging sarsuela tuloy ang usapin nang pagpanaw ng sanggol na walang malay sa mga nangyari.
Tila nakalimot ang hanay ng pulisya, kampo ng pamilya ni Reina Mae Nasino, maging ang mga militante na dapat ay solemn o taimtim ang libing ng walang muwang na sanggol.
Overkill daw ang Sabi ng mga miron ang sandamukal at mga naka-full battle gear na pulis na nagbantay kay Nasino nang dalawin niya ang huling araw ng burol ng anak at pagdalo sa libing.
Ngakngak dito, ngakngak d’un ang tumambad sa publiko sa mala teleserye na pagtutok sa usapin.
Però sino nga ba ang may pagkakamali sa pagitan ng partido ni Nasino-na iniuugnay sa kilusan ng makakaliwa at sa hanay ng pulisya na tumupad lamang daw sa kanilang tungkulin na siguruhing hindi mahahaluan ng puwersa ng makakaliwa ang pagdalo ng ginang sa burol at libing ng supling?
Hindi maikakaila na may tama ang punto de vista ng bawat panig, subalit mas nangingibabaw ang sadyang di makatao na pagtrato kay Nasino, na bukod sa naka Personal Protective Equipment (PPE) habang nasa Ilang oras na “furlough “ ay nakaposas pa ang dalawang kamay. Bagay na inalmahan ng mga nagpapakilalang human rights crusader.
Ang mga ganuong eksena ang mabenta sa mga manunuod ng balita sa dahilang may “human interest” ang kuwento ng mga pangyayari, bagay na lalong nagpasiklab sa mga umaatikabong damdamin ng mga patola(salitang kalye ng mapagpatol) sa isyu.
Isa sa mga patola ay ang tagapagsalita ng MMDA na si Celine Pialago.
“Masyado ninyong ginagawang pang drama serye sa hapon ang paghihinagpis niya. Tigilan niyo!”
“Happy Sunday everyone! Walang kinalaman sa traffic pero sa tingin ko kailangan kong gamitin ang boses ko bilang isang Pilipino sa usapin na ito,” saad niya.
“Hindi lahat ng inang nakakulong ay nakapunta sa libing ng kanyang anak. Kaya yung mga sumisimpatya kay Reina Mae Nasino, pag aralan niyo mabuti ang dahilan bakit siya nakulong at kilalanin niyong mabuti kung sino siya sa lipunan,” Dagdag niya.
Iyan ang mga katagang binitawan ni Pialago na para bang hindi kaaya-aya na salita ng isang babae -o kung hindi pa man siya naging ina ay panget pakinggan para sa katulad niyang opisyal pa man din sa isang tanggapan ng gobyerno.
Malinaw na ang mga katulad ay kawalan ng “empathy” o pakikimay sa naulilang si Nacino.
Sana hindi ganuon ang damdamin ng mga sumakay sa isyu para palabasing politikal ang usapin, dahil Isa ang malinaw sa lipunang walang simpatya sa isat-isa, lahat may tama!