Babaeng COVID-19 positive sa South Korea nag-Starbucks, 56 na iba pa nahawaan
Pinaniniwalaang sa iisang tao lamang nahawa ang 56 na katao na nagpositibo sa COVID-19 sa South korea na pawang bumisita sa branch ng Starbucks sa Paju City.
Karamihan sa mga customer na nagtungo sa branch ay hindi nakasuot ng face masks.
Negatibo naman sa sakit ang mga empleyado na pawang laging nakasuot ng face masks.
Ayon sa mga health official, galing sa iisang tao lang ang infection na pumunta sa Starbucks branch at pumwesto sa upuan na malapit sa air conditioning system.
Maari ding naikalat ang virus sa pamamagitan ng mga surface na hinawakan ng infected na pasyente gaya ng lamesa at door handles.
Ayon kay Korea Centers for Disease Control and Prevention (KCDC) chief Jeong Eun-kyeong walang suot n aface masks ang mga nagtungo sa Starbucks at wala ding proper air ventilation sa branch. (END)