Austria isinama na ng BI sa mga bansang sakop ng ipinatutupad na travel restrictions
Isinama na din ng Bureau of Immigration ang bansang Austria sa listahan nito ng mga bansang apektado ng ipinatuutpad na travel restrictions ng pamahalaan.
Sa update na inilabas ng BI, epektibo ang travel ban sa mga dayuhang biyahero galing Austria noong January 10.
Ang mga dayuhang pasahero galing sa nasabing bansa ay hindi papayagang pumasok sa Pilipinas.
Ang mga Filipino naman na uuwi ay hindi sakop ng ban, pero kailangang istriktong sumailalim sa 14 na araw na quarantine period kait negatibo resulta ng kanilang RT-PCR Test.
Sa ngayon, 28 mga bansa na ang sakop ng ipinatutupad na travel restrictions ng gobyerno bilang pag-iingat sa UK variant ng COVID-19. (D. Cargullo)