“Attack Dog” vs MORE Power, dati umanong tauhan ng PECO
Kinuwestyon ni Koalisyon Bantay Kuryente (KBK) President Halley Alcarde ang tunay na intensyon ng dating empleyado ng Panay Electric Company(PECO) na si Jose Allen Aquino sa pagpapakilala nito na miyembro ng kanilang consumer group para naman siraan ang distribution utility na More Electric and Power Corporation(More Power) sa Iloilo City.
Ayon kay Alcarde, si Aquino ay dating kawani ng PECO na nagresign dahil hindi nito nagustuhan ang pamamalakad ng kanilang kumpanya na makailang beses din nyang binabatikos.
Nang mawala sa PECO ay bumuo si Aquino ng grupong Power Service Cooperative (PSC) na kalaunan ay nagtangkang kumuha ng kontrata sa More Power ngunit hindi ito naaprubahan.
Makikita sa Facebook page ng PSC na ang deskripsyon sa grupo ay isa itong service cooperative na ang founding members ay mga dating kawani ng PECO kasama si Aquino.
Makikita din sa FB page ng PSC ang mga litrato ng naging product presentation nito sa More Power noong Setyembre 17, 2019.
Napag-alaman din na makatatlong beses kumandidato sa pagka city coucilor sa Iloilo si Aquino ngunit hindi ito nanalo.
“Dahil hindi natanggap sa MORE Power, Nakikipag kutsaba na itong si Mr. Aquino sa PECO para lituhin at linlangin ang mga power consumers ng Iloilo”, pahayag ni Alcalde.
Nabatid mula sa PSC officers na pinagresign na nila si Aquino sa kanilang grupo,
“the PSC Board of Directors made him to file a resignation letter with the coop to allow him focus on his energy watch activities and not to prejudice coop’s operations” ayon sa PSC officers.
Sa pagpapakilala na kasapi ng consumer group na KBK ay nagsisilbing “attack dog” ng PECO si Aquino laban sa More Power sa pamamagitan na rin ng pagpapalabas nito ng mga fake news.
Matatandaan na una nang inalmahan ng mga original na mga opisyal ng KBK ang paggamit ni Aquino sa kanilang grupo partikular ang pagharap pa nito sa virtual pressconference ng PECO kamakailan kung saan ipinananawagan nito sa Energy Regulatory Commission(ERC) na magrefund ang More Power sa sobrang siningil nito sa systems loss.
Sa isang official statement ng grupo na nilagdaan ni Alcarde sinabi nito na kanila nang inihahanda ang kaukulang kaso laban kay Aquino dahil sa paggamit nya sa consumer group habang lumiham na rin sila sa ERC para linawin na hindi sintimyento ng libo libong miyembro nila ang mga bintang ni Aquino laban sa More Power gayundin ay hindi ito kailanman naging konektado o kasapi sa kanilang grupo.
Ang KBK na rehistrado sa Securities and Exchange Commission ay isang power consumer group sa Iloilo City na koalisyon ng ibat ibang grupo kabilang ang Simbahan, transport group at teacher and parents association. (BDC)