AstraZeneca vaccination hindi sususpindihin ng pamahalaan
Walang plano ang pamahalaan na suspindihin ang AstraZeneca vaccination sa bansa.
Kasunod ito ng ulat na ilang European countries ang nagsuspinde ng COVID-19 vaccination program nila gamit ang AstraZeneca.
Sa pahayag, sinabi ng Department of Health (DOH), na ang DOH at Food and Drug Administration (FDA) ay walang nakikitang dahilan para suspindihin ang paggamit ng AstraZeneca vaccine sa Pilipinas.
Sinabi ng DOH na ang pagbabakuna ay malaking tulong para mabawasan ang banta ng sakit.
“Following reports of a few EU countries suspending their COVID-19 vaccination program as a precautionary measure, DOH-FDA find no reason to suspend AZ vaccine in the PH as benefits of vaccination continue to outweigh the risk,” ayon sa pahayag.
Patuloy din ang masusing pagbabantay ng DOH, FDA at National Task Force Against COVID-19 sa vaccine deployment program ng pamahalaan.