Pasok sa mga korte sa lungsod ng Maynila suspendido sa June 29-30

Pasok sa mga korte sa lungsod ng Maynila suspendido sa June 29-30

Suspendido ang pasok sa lahat ng first at second level courts sa lungsod ng Maynila sa June 29 at June 30, 2022.

Sa nilagdaang circular ni Supreme Court Deputy Court Administrator Jenny-Lind Delorino, walang pasok sa mga korte sa Maynila sa nasabing mga petsa kaugnay ng inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nakasaad sa circular na ikinunsidera ni SC Chief Justice Alexander Gesmundo ang mga ipatutupad na road closure at traffic rerouting plan para sa inagurasyon.

May mga lansangan na patungo sa mga korte sa Maynila ang maaapektuhan ng road closures.

Dahil dito, maaring mahirapan ang mga court personnel na bumiyahe papasok sa trabaho.

Una nang idineklara din ni Manila Mayor Isko Moreno na walang pasok sa lungsod sa June 30 para sa inagurasyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *