Aplikasyon para sa tourist visa extension bumaba ng 45%

Aplikasyon para sa tourist visa extension bumaba ng 45%

Bumagsak ng 45 porsyento ang aplikasyon para sa tourist visa extension para sa taong 2020.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, noong 2020, nakapagproseso ang Tourist Visa Section (TVS) ng BI ng kabuuang 240,276 na aplikasyon para sa tourist visa extension.

Mas mababa ito ng 44.67 percent kumpara sa 434,251 na aplikasyon noong 2019.

Sinabi ni Morente na inaasahang ang malaking pagbaba dahil sa nararanasan pa ring epekto ng pandemya.

Marami pa ring mga bansa ang nagpapairal ng travel restrictions.

Umaasa naman si Morente na makababawi ang tourism industry sa second o third quarter ng 2021.

Samantala, ang kuleksyon ng BI mula sa visa extension fees ay umabot lang sa P1.3 billion noong 2020.

40-percent itong mas mababa kumpara sa halos P2.2 billion noong 2019. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *