Apela sa kasong pagpatay kay Filipino transgender woman na si Jennifer Laude iniurong na ni US Marine Joseph Scott Pemberton

Apela sa kasong pagpatay kay Filipino transgender woman na si Jennifer Laude iniurong na ni US Marine Joseph Scott Pemberton

Itinuturing nang “closed and terminated” ng Kort Suprema ang kaso laban sa Amerikanong sundalo na si Joseph Scott Pemberton.

Kinatigan kasi ng Korte Suprema ang kahilingan ni Pemberton na maiatras ang kanyang petisyon na umaapela sa hatol sa kaniya ng mababang hukuman.

Ang nasabing desisyon ng lower court ay pinagtibay na ng Court of Appelas kaugnay sa pagkakapatay sa transgender na si Jennifer Laude.

Sa nilagdaang notice ni Atty. Misael Domingo Battung III, clerk of court ng Supreme Court Third Division, pumayag ang SC na maiatras ni Pemberton ang kaniyang petition for review na inihain niya noong October 15, 2017.

Batay sa petition to withdraw ni Pemberton na kaniyang isinumite saKorte Suprema noong June 2, 2020, matapos maikunsidera ang mga pangyayari sa kaso, nagpasya siyang iatras ang apela kasama na rito ang aspetong kriminal at sibil.

Sinabi rin ni Pemberton na tinatanggap at kinikilala niya ang pagiging final and executory ng hatol sa kaniyang korte.

October 11, 2014 nang matagpuang patay ang 26-anyos na biktimang si Laude sa CR sa loob ng isang inn sa Olongapo City.

Si Pemberton ay ginawaran nang anim hanggang 10 taong pagkakakulong matapos na mapatunayang nasa likod ng pagpatay kay Laude. (END)

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *