Apat na staff sa Manila City Hall, nagpositibo sa COVID-19

Apat na staff sa Manila City Hall, nagpositibo sa COVID-19

Mayroong apat na kawani ng Manila City Hall ang nagpositibo sa COVID-19.

Kinumpirma ito ni Manila Mayor Isko Moreno kasabay ng panawagan sa lahat na mag-doble ingat tuwing magtutungo sa iba’t ibang tanggapan sa City Hall.

Tiniyak din ng alkalde na ginagawa ng lokal na pamahalaan ang lahat ng paraan para mabigyan ng kaukulang tulong ang mga nagpositibong empleyado.

Nakapagsagawa na rin ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng apat.

Pinayuhan din ni Moreno ang mga may transaksyon sa ilang departamento sa City Hall na gawin na lamang ang transaksyon sa pamamagitan ng online.

Wala namang plano ang alkalde na ihinto ang operasyon ng ibang departamento o i-lockdown ang City Hall.

Kasabay naman ng selebrasyon ng Araw ng Kababaihan panawagan ng alkalde sa mga magulang partikular sa mga nanay na huwag pababayaan ang kanilang mga anak.

Lumalabas kasi sa pag-aaral ng ilang health experts sa lungsod ng Maynila na mas tumataas ang kaso ng hawaan sa loob ng tahanan kumpara sa sa labas.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *