Apat na highly urbanized cities sa Luzon nasa very low risk na – OCTA Research
Nasa very low risk na sa COVID-19 ang apat na highly urbanized cities (HUCs) sa Luzon.
Ayon sa OCTA Research, kabilang dito ang Angeles City, Dagupan City, Lucena City at Olongapo City.
Sa datos ng OCTA Research, nasa 2 to 3 percent na lamang ang positivity rate sa nasabing mga lungsod.
Nananatili naman sa low risk ang classfication ng Metro Manila, Baguio City, Naga City, at Santiago City.
Habang ang Puerto Princesa ay nasa moderate risk dahil sa very high na testing positivity rate.
Umaabot pa sa 38 percent ang positivity rate sa Puerto Princesa. Habang ang average daily attack rate o ADAR ay nasa 1.68 pa. (DDC)