Anthony Gerard ‘Jonji’ Y. Gonzales itinalaga ni Pangulong Duterte bilang Undersecretary ng OPAV
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Undersecretary ng Office of the Presidential Assistant for the Visayas si Assistant Secretary, Anthony Gerard ‘Jonji’ Y. Gonzales.
Ayon kay OPAV Sec. Michael Lloyd Dino, ang appointment paper ni Gonzales ay nilagdaan ni Pangulong Duterte noong March 15, 2021.
“I thank President Rodrigo Duterte for taking notice on the work my team, it makes me both proud and humbled that the man I look up to and serve appreciates all our efforts and dedication to public service that he himself inspires us to do,” ayon kay Dino.
Sinabi ni Dino na magsisilbi itong inspirasyon sa OPAV upang mas pagbutihin pa ang pagtatrabaho at para mapagsilbihan ang mga mamamayan sa Visayas.
Patuloy aniyang magiging tulay ang OPAV ng Malakanyang patungo sa Visayas upang masigurong mabibigyan ng kumportableng pamumunuhay publiko.
Binanggit din ni Dino ang buong suporta na nakukuha ng OPAV mula kay Senator Christopher Lawrence Go, na patuloy sa pagtulong sa mga mamamayan sa Visayas.
Pinasalamatan din ni Dino si Executive Secretary Salvador Medialdea.
Kasabay nito, binati ni Dino si Usec. Jonji Gonzales sa kaniyang well-deserved appointment.