Anim na opisyal ng PhilHealth naghain ng leave of absence ayon sa Malakanyang
Kinumpirma ng Malakanyang na anim na opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang naghain ng leave of absence.
Ayon sa palasyo ang anim ay pawang regional officers.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi kasama ang anim na opisyal sa “mafia” sa ahensya na tinutukoy ni Senator Panfilo Lacson.
Katunayan ani Roque, ang anim na nag-leave ay pawang tinukoy na “heroes” nI PhilHealth board member Alejandro Cabading sa kaniyang testimonya sa Senado.
Ani Roque pinili ng mga opisyal na mag-leave at tumugon sa panawagan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra dahil naniniwala silang ito ang tama at nararapat na gawin.
“The Palace reiterates the call of the DOJ Secretary, who heads the PhilHealth Task Force, for those officers under investigation, particularly the members of the Executive Committee (ExeCom) who have been named in the investigations of both Senate and House, to follow their action and go on leave,” ayon kay Roque. (END)