Angat River Bridge sa NLEX sasailalim sa repair
Isasailalim sa repair ang Angat River Bridge sa North Luzon Expressway.
Sa abiso ng NLEX Corporation, simula alas 10:00 ng gabi ngayong Huwebes, January 14 ay isasara ang 1.4 kilometer portion ng tulay sa Pulilan Southbound.
Tatagal ang pagsasara hanggang alas 5:00 ng umaga ng Biyernes, January 15.
Magpapatupad naman ng counterflow sa kabilang linya ng kalsada. (D. Cargullo)