Anak Bayan Muna Rep. Eufemia Campos Cullamat nasawi sa engkwentro ng NPA at militar
Nasawi sa engkwentro sa pagitan ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) at militar ang anak ng isang kongresista.
Sa inilabas na pahayag ng Armed Forces of the Philippines, sa engkwentro na nangyari sa Marihatag, Surigao Del Sur noong Sabado ng gabi, kabilang sa nasawi ay ang 22 anyos na si Jevilyn Campos Cullamat, alyas “Ka Reb”.
Si Jevilyn ay anak ni Bayan Muna Rep. Eufemia Campos Cullamat.
Pawang mga tauhan ng 3rd Special Forces “Arrowhead” Battalion ng Philippine Army ang naka-engkwentro ng mga rebelde.
Ayon sa Philippine Army, si Jevilyn ay nagsisilbing medic sa NPA at kasapi siya gn Sandatahang Yunit Pampropaganda (SYP) Platoon ng Guerilla Front 19, Northeastern Regional Committee (NEMRC).