Ambush sa mga sundalo sa Mati City mariing kinondena ng pamahalaang lungsod

Ambush sa mga sundalo sa Mati City mariing kinondena ng pamahalaang lungsod

Kinondena ng pamahalaang lungsod ng Mati ang nangyaring pananambang ng NPA sa sasakyan ng mga sundalo sa Mati City.

Dahil sa nasabing insidente, isinara ng halos dalawang oras ang bahagi ng national highway sa Barangay Badas na tanging daanan na ginagamit ng mga magsasaka sa pagbiyahe ng kanilang mga produkto patungong palengke.

Ayon kay Mati City Mayor Michelle Nakpil Rabat, isinara ang kalsada para matiyak ang kaligtasan ng mga residente.

Ani Rabat, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente.

Kasabay nito, tiniyak ng alkalde sa mga residente ng Mati City na isolated incident ang nangyari.

Ginagawa aniya ng lokal na pamahalaan ang lahat upang maiwasan nang maulit ang mga kahalintulad na pangyayari.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *