Alert Level 2 itinaas sa Bulkang Taal
Mula sa Alert Level 1 ay itinaas ng Phivolcs sa Alert Level 2 ang alert status ng Bulkang Taal.
Ang Alert Level 2 ay nangangahulugang mayroong “increasing unrest” sa bulkan.
Ayon sa Phivolcs, simula noong February 13, 2021 ang Taal Volcano ay nakitaan ng pagtaas ng “unrest”.
Kabilang dito ang pagdami ng naitatalang
Volcanic Earthquakes. Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala ang Phivolcs 28 volcanic tremor episodes.
May nakita ring pagbabago sa Main Crater Lake (MCL) ng bulkan.
Sa isinagawang survey observations nakapagtala ng temperature high na 74.6ÂșC at patuloy na pagtaas ng acidity sa bulkan.
Sa ilalim ng Alert Level 2 sinabi ng Phivolcs na maaring magkaroon ng magmatic activity.
Hindi pa naman ipinapayo ang paglilikas subalit pinapayuhan ang publiko na huwag pasukin ang Taal Volcano Island na Permanent Danger Zone (PDZ) ng bulkan.