Alert Level 2 itinaas ng DFA sa Myanmar

Alert Level 2 itinaas ng DFA sa Myanmar

Nagtaas na ng Alert Level 2 ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Myanmar.

Ayon sa DFA, bunsod ito ng kritikal pa ding sitwasyon sa nasabing bansa.

Mayroon pang 1,273 na mga Filipino sa Myanmar.

Sa ilalim ng Alert Level 2, ang mga overseas Filipinos doon ay hinihikayat na limitahan ang non-essential movements.

Pinaiiwas din sila sa mga lugar na mayroong protesta at pinaghahanda sa posibleng paglilikas.

Tanging ang mga returning workers na mayroong existing contracts ang papayagang makaalis patungong Myanmar.

Kasabay nito iginiit ng DFA ang paalala sa mga Pinoy doon na maging maingat, mapagbantay, at iwasan ang pagtungo sa mga protesta.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *