Alaska niyanig ng magnitude 7.5 na lindol
Tumama ang magnitude 7.5 na lindol sa Alaska.
Ayon sa US Geological Survey, ang sentro ng pagyanig ay naitala sa 55 miles ng southeast Sand Point.
Dahil sa malakas na lindol, nagpalabas ng tsunami warning para sa baybaying dagat ng South Alaska at Alaska Peninsula.
Kalaunan ibinaba na ang tsunami warning sa tsunami advisory na lamang.
Pinayuhan ang mga residente na manatiling kalmado at lumayo sa coastlines.