Prusisyon, tradisyunal na ‘Salubong’ sa Semana Santa hindi papayagan ng Metro Manila Mayors

Prusisyon, tradisyunal na ‘Salubong’ sa Semana Santa hindi papayagan ng Metro Manila Mayors

Nagkasundo ang mga alkalde sa Metro Manila na hindi payagan ang pagdaraos ng prusisyon para sa paggunita ng Semana Santa ngayong taon.

Bunsod ito ng pagkakaroon pa rin ng pandemya ng COVID-19 at pagdami pa ng kaso ng sakit.

Ayon ka MMC Chairman at ParaƱaque Mayor Edwin Olivarez, base sa napagkasunduan ng Metro Manila Mayors, walang ibibigay na permits para sa pagdaors ng prusisyon.

Sinabi rin ni Olivarez na hindi rin muna papayagan ang tradisyunal na “Salubong” na isinasagawa madaling araw ng Easter Sunday o Linggo ng Pagkabuhay.

Maituturing kasi aniyang mass gathering ang pagsasagawa ng prusisyon.

Papayagan pa rin naman aniya ang pagsisimba, basta’t limitado lamang sa 50 percent ng capacity ng simbahan ang papapasukin.

Ani Olivarez, ang 50 percent ay patungkol sa seating capacity. Ibig sabihin, hindi pwede magdagdag ng lugar para sa mga nakatayo, o kaya naman ay magdagdag ng upuan.

Dapat ding mahigpit na maipatupad ang pagsusuot ng face mask at face shield habang nasa loob ng simbahan.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *