Aktibidad ng Mt. Taal sa magdamag, nabawasan
Nabawasan ang mga naitatalang aktibidad sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa Phivolcs, apat na episodes lamang ng volcanic tremor ang naitala sa Mt. Taal na ang tagal ay umabot ng 1 hanggang 15 minuto.
Nakapagtala din ng bahagyang pagbubuga ng steam laden plumes mula sa main crater ng bulkan na ang taas ay umabot sa 20 meters.
Noong Sabado, March 27 ang sulfur dioxide na nasukat mula sa Mt. Taal ay umabot sa 953 tonnes per day ang average.
Nananatiling nakataas sa alert level 2 ang bulkan at bawal pa din ang pagpasok sa permanent danger zone nito.