AFP nagtaas ng red alert status dahil sa Typhoon Rolly

AFP nagtaas ng red alert status dahil sa Typhoon Rolly

Itinaas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa “red” ang alert status nito dahil sa posibleng pananalasa ng Typhoon Rolly sa bansa.

Iniutos ni AFP Chief of Staff, General Gilbert Gapay, ang pagtaas ng red alert status sa layuning i-maximize ang availability ng military personnel sa paghahanda sa pagtama ng bagyo.

Pre-emptive measure sa panig ng Sandatahang Lakas para matiyak na maitatalaga ang mga tauhan nito at mga kagamitan para sa pagsasagawa ng humanitarian at disaster response operations.

Pinaghahanda din ni Gapay ang mga frontline units sa mga lugar na hindi gaanong tatamaan no maaapektuhan ng bagyo sa posibilidad ng reinforcement.

“The AFP is already in heightened coordination with other government agencies in jointly monitoring Typhoon Rolly and in preparing areas at its path,” ayon kay Gapay.

 

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *