ACT-CIS Party list nag-alok ng P100,000 pabuya sa makapagtuturo sa mga suspek sa pagpatay kay Christine Angelica Dacera

ACT-CIS Party list nag-alok ng P100,000 pabuya sa makapagtuturo sa mga suspek sa pagpatay kay Christine Angelica Dacera

Nag-alok ng P100,000 pabuya si ACT-CIS Party list Rep. Eric Yap para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga suspek sa pagpatay sa flight attendant na si Christine Angelica Dacera.

Sa pahayag mariing kinondena ni Yap ang aniya ay “walang awa” at “walang kunsensyang” krimen.

Sinabi ni Yap na magbibigay ito ng P100,000 sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa PNP sa kinaroroonan ng mga suspek na mayroong kinalaman sa krimen.

Inisa-isa din ni Yap sa post ang pangalanan ng mga pinaghahanap na suspek. (D. Cargullo)

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *