Accommodation establishments na ginagamit bilang quarantine facilities inabisuhan ng DOT sa dagdag na mga bansang sakop ng travel restrictions
Inabisuhan ng Department of Tourism (DOT) ang mga accommodation establishments sa Metro Manila na ginagamit bilang Quarantine Facilities (QFs) para sa mga umuuwing Overseas Filipinos (OFs) hinggil sa dagdag na mga bansang sakop ng umiiral na travel restrictions.
Epektibo kasi ngayong araw, January 8, 2021 kasama na ang Brazil, Finland, India, Jordan, Norway at Portugal sa mga bansang sakop ng umiiral na ban sa mga dayuhang pasahero.
Ayon kay DOT-NRC Regional Director Woodrow Maquiling Jr., dapat tiyaking ng mga hotel na nagsisilbing quarantine facilities na masusund ang 14 na araw mandatory quarantine sa mga returning OFs.
Ito ay kahit pa mag-negatibo na sa RT-PCR ang Pinoy.
Pinatitiyak din ng DOT sa mga hotel ang mabilis at convenient na check-in procedures sa mga returning OF para maiwasan ang mas matagal na exposure at banta ng paghahawaan ng COVID-19. (D. Cargullo)