Ulat sa pagkamatay ng Pinoy sa isang pag-atake sa Saudi Arabia inaalam ng OWWA

Ulat sa pagkamatay ng Pinoy sa isang pag-atake sa Saudi Arabia inaalam ng OWWA

Nagsasagawa ng beripikasyon ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga natanggap na ulat hinggil sa pagkamatay umano ng isang Pilipino sa isang pag atake sa Saudi Arabia.

Kasalukuyang hinihintay ng ahensiya ang pormal na ulat mula sa mga awtoridad ng Saudi Arabia at sa kinatawan ng kumpanya upang makumpirma ang mga detalye ng insidente.

Tumututok sa sitwasyon ang mga tauhan ng OWWA sa Saudi Arabia, katuwang ang Department of Migrant Workers (DMW) at ang Philippine Embassy in Riyadh.

Nakahanda ang OWWA na magbigay ng nararapat na tulong at suporta sa pamilya.

Magbibigay naman ang OWWA ng karagdagang impormasyon matapos ang opisyal na beripikasyon, habang pinangangalagaan ang privacy at kapakanan ng pamilya. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *