2 high-value drug suspects nadakip ng SPD, ₱1-milyong halaga ng ‘shabu’ sa Taguig City

2 high-value drug suspects nadakip ng SPD, ₱1-milyong halaga ng ‘shabu’ sa Taguig City

Isa na namang malaking tagumpay laban sa kalakalan ng ilegal na droga ang pagkadakip ng dalawang high-value suspects at pagkakumpiska ng ₱1,020,000.00 na halaga ng umano’y shabu sa ikinasang buy-bust operation ng Southern Police District (SPD) sa ilalim ng liderato ni District Director PBGen Rodel A. Pastor, sa Barangay Hagonoy, Taguig City, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Patty,” 26-anyos, (babae) at alyas “Weng,” 24-anyos,(lalaki),kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Ayon sa report ng SPD, isinagawa ang operasyon ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa koordinasyon ng Sub-Station 9 ng Taguig City Police, sa tabi ng exit road gate patungong MRT Avenue sa kahabaan ng Acacia Avenue, Brgy. Hagonoy.

Sa gitna ng operasyon,nakuha ng otoridad ang 150 na gramo ng umano’y shabu, buy-bust money, at puting long envelope.

“Every day, we will intensify our efforts to track down and arrest those involved in the illegal drug trade. Our operations will continue without letup, using intelligence-driven strategies and strong police coordination to keep illegal drugs off our streets and protect our communities. We will pursue every lead and ensure that those who violate the law are held accountable, always within the bounds of the law and with due respect for human rights,” pahayag ni BGen Pastor.

Inihahanda ng otoridad ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek.

Naninindigan ang SPD sa kanyang pangakong tuloy-tuloy na proactive law enforcement operations,pagbueag sa mga illegal na aktibidad ng droga, at malapit na pakikipagtulungan ng pulisya sa komunidad upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa nasasakupang lugar sa katimugang Metro Manila.

Hinikayat ng opisyal ang publiko na magreport sa otoridad ng mga kahina-hinalang aktibidad ng ilegal na droga. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *