Higit 2,100 na seniors sa Las Piñas City tumanggap ng social pension
Mahigit 2,100 na benepisyaryong nakatatatanda mula sa mga Barangay Talon Uno, Talon Singko, Talon Tres, Pilar, at Almanza Dos ang tumanggap ng P3,000 social pension, na isinagawa sa Aguilar Sports Complex.
Personal na siniguro ni Mayor April Aguilar na maayos at organisado ang pamamahagi ng 3rd quarter pension ng ating mga senior citizens.
Kasama ng alkalde sa pagsubaybay sa programa sina Ms. Lowefe Romulo ng City Social Welfare and Development Office (CSWD), Mr. Ronald Monfero ng PWD Office, at Mr. Carlos Alexander Rigon ng OSCA. (Bhelle Gamboa)
