BREAKING: FDA inaprubahan na ang emergency use sa bansa ng bakuna ng Pfizer-BioNTech

BREAKING: FDA inaprubahan na ang emergency use sa bansa ng bakuna ng Pfizer-BioNTech

Aprubado na ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization ng Pfizer-BioNTech para sa paggamit ng kanilang COVID-19 vaccine sa Pilipinas.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, effective immediately ang inaprubahang EUA at maari nang mai-roll out ang bakuna ng Pfizer sa sandaling maging available ito sa bansa.

Maaring gamitin ang bakuna ng Pfizer para sa mga edad 16 pataas.

Ayon kay Domingo, batay sa isinagawang pag-aaral sa mga ebidensya at mga datos, may basehan na epektibo ang bakuna ng Pfizer para maiwasan ang pagkakaroon ng COVID-19.

Sa sandaling mai-roll out na, kailangan ayon kay Domingo na magsumite ang Pfizer Philippines ng report sa FDA kung mayroong serious o non-serious adverse reaction sa kanilang bakuna. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *