Meralco may paalala sa mga costumer na kumakasa sa “Bill Reveal” challenge

Meralco may paalala sa mga costumer na kumakasa sa “Bill Reveal” challenge

Pinaalalahanan ng Meralco ang mga costumer nito na kumakasa sa “Bill Reveal” challenge at ibinabagi sa social media ang kopya ng kanilang Meralco bill.

Ayon sa Meralco sa naturang challenge ay kasamang naipo-post sa social media ang Customer Account Number (CAN).

Paalala ng Meralco, ang paglalabas ng CAN at iba pang mga detalye na nakalagay sa Meralco bill ay delikado dahil maaaring gamitin ng mga masasamang loob ang mga importanteng impormasyon.

Kaugnay nito pinayuhan ng Meralco ang mga costumer na maging maingat sa mga ipinapakita sa sa social media account.

Dapat ding proteksyonan ang mga personal na impormasyon upang hindi mabiktima ng mga scamer. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *