Calayan, Cagayan niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
Tumama ang magnitude 4.0 na lindol sa Calayan, Cagayan.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng pagyanig sa layong 8 kilometers southwest ng ng Dalupiri Island, 11:31 ng umaga ng Huwebes, May 16.
May lalim na 11 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities bunsod ng naturang lindol. (DDC)