Steam plume mula sa Bulkang Taal umabot sa 300 metro ang taas
Nakapagtala ng phreatic event ang Phivolcs sa main crater ng Taal Volcano ngayong umaga ng Huwebes, May 16.
Ayon sa Phivolcs, na-obserbahan ang aktibidad, 8:54 ng umaga.
Tumagal ng 3-minuto ang phreatic event sa bulkan na nagdulot ng pagbuga nito ng steam plume na 300-metro ang taas.
Nananatiling nakataas ang Alert Level 1 sa bulkang Taal. (DDC)4