Japan tutulong para makabili ang Pilipinas ng karagdagang mga barko

Japan tutulong para makabili ang Pilipinas ng karagdagang mga barko

Tiniyak ng bansang Japan ang suporta nito sa Philippine Coast Guard (PCG) sa capability development, partikular sa pagbili ng mga karagdagang barko.

Ginawa ni Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya ang pahayag sa kaniyang courtesy visit kay PCG Commandant, CG Admiral Ronnie Gil Gavan.

Ayon kay PCG Spokesperson, CG Rear Admiral Armando Balilo, magkakaroon ng note signing sa pagitan ng Philippines at Japan para sa pagbili ng limang 97-meter multi-role response vessels (MRRVs).

Inaasahang darating sa bansa ang mga bibilhing bagong barko sa pagutan ng taong 2027 hanggang 2028.

Sa ngayon, ang PCG ay mayroong dalawang 97-meter MRRVs, ito ay ang BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) at BRP Melchora Aquino (MRRV-9702), na aktibong nagsasagawa ng maritime security at safety operations sa West Philippine Sea.

Nagpasalamat naman si Gavan sa alok na tulong ng Japan at iba pang mga bansa para mapanatili ang mapayapang sitwasyon sa West PH Sea. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *