Ospital na tumatanggap ng mga pasyenteng POGO workers, isinara

Ospital na tumatanggap ng mga pasyenteng POGO workers, isinara

Isinara ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang ospital na walang lisensiyang mag-operate mula sa Department of Health, na kumakalinga sa mga manggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na nasa Hobbies of Asia compound, Macapagal Avenue sa Pasay City dakong 5:30 ng hapon kahapon.

Pinangunahan ni PAOCC Major Noel Enoc ang raid at ang pagsasara sa naturang ospital kung saan naaktuhan ang tatlong doctors (dalawang Vietnamese at isang Chinese) na nagsasagawa ng kanilang medisina kasama ang isa pang Vietnamese nurse at isang Chinese pharmacist na nabigong magprisinta ng lisensiya bilang foreign professionals mula sa Professional Regulation Commission.

Nag-isyu ang otoridad ng immigration mission order laban kay Mr Trinh Dinh Sang matapos ang dalang linggong surveillance para sa umano’y medical practice nito ng walang kaukulang lisensiya.

Ang naturang mission order ay nagsilbing basehang legal para sa nasabjbg raid at iba pang naaktuhang medical professionals na nag-aasikaso sa ilang pasyente.

Pinayagan naman umalis ang pasyenteng Chinese at Vietnamese matapos magpakita ng valid visas.

Samantala, kaagad dinala sa BI ang tatlong doctor, isang pharmacist at isang nurse upang isailalim sa immigration inquest para sa paglabag sa kondisyon ng kanilang pananatili rito sa bansa.

Humingi rin ng tulong ang Commission kay DOJ Usec Nicky Ty upang maghain ng kaukulang kasong kriminal laban sa foreign medical practitioners para sa posibleng paglabag ng Hospital Lincensure Act, Philippine Pharmacy Act, Philippine Medical Act, at ng Philippine Nursing Profession Act.

Inatasan naman ng Executive Director ang mga tauhan ng Commission na magsagawa ng masusi at wastong imbentaryo ng estado ng art medical equipments at gadgets na nakumpiska mula sa sinalakay na ospital. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *