Disaster management ng MMDA tinalakay
Nagpulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ilang kinatawan ng Japan International Cooperation Agency (JICA), Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism (MLIT), at consultants mula sa CTI Philippines (CTI PH) kamakailan para pag-usapan ang Smart City Japan ASEAN Mutual Partnership (Smart JAMP) na sesentro sa pagsasaayos ng Effective Flood Control Operation System (EFCOS) ng ahensiya para sa disaster management.
Tinalakay rito ang plano ng JICA na maglagay ng radar rain gauges at water level gauges para mamonitor ang lebel ng tubig at ulan na makakatulong para magkaroon ng safety measures laban sa pagbaha sa Metro Manila.
Pinasalamatan naman ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes ang JICA, MLIT, CTI PH para sa upgrade ng pasilidad at operasyon ng EFCOS. (Bhelle Gamboa)