Buong BARMM isinailalim sa state of calamity dahil sa epekto ng El Niño

Buong BARMM isinailalim sa state of calamity dahil sa epekto ng El Niño

Nagdeklara ng state of calamity sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil sa epekto ng El Niño.

Ang deklarasyon ay sa bisa ng Proclamation No. 002 series of 2024 ng Office of the Chief Minister ng BARMM.

Ayon sa proklamasyon, sa pamamagitan ng deklarasyon ng state of calamity, maipatutupad ang pagkontrol sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Magagamit din ang karampatang pondo upang makapagsagawa ng rescue, recovery, relief at rehabilitation efforts sa mga apektadong mamamayan.

Inatasan din ang BARMM ministries, offices, and agencies na gumawa ng mga hakbang para matugunan ang epekto ng kalamidad. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *