MMDA enforcer na dumaan sa EDSA bus way sinibak sa serbisyo

MMDA enforcer na dumaan sa EDSA bus way sinibak sa serbisyo

Sinibak sa trabaho ang isang MMDA traffic enforcer na nag-viral dahil nahuling dumaan sa EDSA bus way at tinakasan pa ang mga tauhan ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT).

Ayon sa MMDA, epektibo araw ng Huwebes, Mayo 2, terminated na ang kontrata ng enforcer na kinilalang si Dexter Rasonabe na isang job order employee.

Humarap si Rasonabe kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes at inamin ang ginawang pagdaan sa bus way at pagtakas sa dahilang naghahabol umano siya ng oras dahil late na sa trabaho.

Binigyang-diin naman ni Atty. Artes na hindi pinalalagpas ng ahensiya ang anumang pagkakamali ng mga kawani nito.

Mahigpit na ipinagbabawal ni Artes sa lahat ng empleyado, kasama ang mga opisyal at directors, ang pagdaan sa EDSA bus way. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *