Deputy Chief of Mission Zhou Zhiyong ipinatawag ng DFA kasunod ng panibagong insidente ng harassment sa Bajo de Masinloc
Ipinatawag ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Chinese Embassy of Manila Deputy Chief of Mission Zhou Zhiyong matapos ang panibagong insidenteng naganap sa Bajo de Masinloc noong Apr. 30.
Ayon sa DFA, naghain ng protesta ang pamahalaan sa panibagong pangha-harass na ginawa ng mga barko ng China sa mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Sinabi ng DFA na agresibo ang aksyon ng mga barko ng China partikular ang ginawa nitong pagbomba ng tubig sa barko ng Pilipinas.
Ayon sa DFA nagdulot ng pinsala sa mga barko ng Pilipinas ang ginawa ng mga barko ng China.
Kaugnay nito ay iginiit ng pamahalaan ang pag-alis ng mga barko ng China sa Bajo de Masinloc at palibot nito sa lalong madaling panahon. (DDC)