PAL flight patungong Japan sa NAIA na-delay ng 5-oras sa bomb threat

PAL flight patungong Japan sa NAIA na-delay ng 5-oras sa bomb threat

Limang oras na-delay o naantala ang flight ng Philippine Airlines mula Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 patungong Kansai Japan dahil sa bomb threat ng isang pasahero nitong May 1.

Ayon sa report ni Philippine National Police Aviation security group (PNPAvsec) Col. Esteban Eustaquio, nakatanggap ng tawag ang airport police mula sa isang babae at nagtatanong kung may bomb threat daw ba ang PAL flight ng PR-412 patungong Kansai Japan.

Dahil dito agad na beneripika ang tawag kung saan natukoy nila ang pangalan ng pasahero.

Sakay ng 200 na pasahero ang PAL flight PR-412 na dapat aalis ng alas- 9:00 ng umaga mula sa NAIA T1 pero dahil sa Standard Operating Procedure, agad na pinababa ang mga pasahero at muli silang dumaan sa human x-ray bago sila bumalik sa waiting area.

Agad na nagsagawa ng inspections ang mga airport security at K-9 unit at isinagawa ang panelling sa loob ng eroplano kung saan pasado 11:00 ng umaga nang ideklara itong negatibo sa ano mang uri ng bomba o pampasabog.

Isinakay ang mga pasahero sa eroplano ng PAL sa runway ng paliparan gamit ang shuttle bus pero dahil sa tagal ng documentation alas 3:00 na ng hapon kahapon nakaalis ang PAL flight PR-412 patungong Japan. ( Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *