Manila Water nagtalaga ng Purple Hydrants sa Metro Manila para makatulong sa mga insidente ng sunog

Manila Water nagtalaga ng Purple Hydrants sa Metro Manila para makatulong sa mga insidente ng sunog

Nagtalaga ng purple hydrants ang Manila Water upang makatulong sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa pag-responde sa mga sunog na nagananap sa Metro Manila.

Ang purple hydrants ay gumagamit ng wastewater mula sa East Zone ng Metro Manila.

Ang tubig na makukuha sa purple hydrants ay dumaan na sa sewage treatment plants ng Manila Water subalit ito ay para lamang sa non-potable uses gaya na lamang ng pag-suplay ng tubig sa BFP kapag mayroong sunog.

Ang apat na purple hydrants ay inilagay ng Manila Water Marikina North Sewage Treatment Plant (STP), Ilugin Sewage Treatment Plant sa Pasig, at sa Poblacion Sewage Treatment Plant sa Makati.

Habang ang isa pa ay nasa UP Diliman campus. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *