Bilang ng pasaherong bibiyahe sa NAIA sa Holy Week aabot ng isang milyon

Bilang ng pasaherong bibiyahe sa NAIA sa Holy Week aabot ng isang milyon

Naghahanda na ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa pagdagsa ng mga pasahero sa Semana Santa.

Ayon sa MIAA, inaasahang papalo sa isang milyon ang bilang ng mga pasaherong bibiyahe sa apat na terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) simula sa March 24 hanggang March 31.

Sinabi ni MIAA General Manager Eric Ines na magkakaroon ng 15% na pagtaas sa passenger volume ngayong Semana Santa kumpara sa bilang ng mga pasahero na naitala noong 2023 Holy Week na umabot sa 926,755.

Sa unang labingapat na araw ng buwan ng Marso, nakapagtala na ang MIAA ng mahigit 1.8 million na pasahero na bumiyahe sa NAIA.

Sa Holy Week, sinabi ng MIAA na maaaring umabot sa 140,000 ang passenger traffic sa loob lamang ng isang araw.

Tiniyak naman ni Ines na sapat ang bilang ng mga tauhan at kagamitan sa NAIA para sa pagdagsa ng mga pasahero.

Mayroon ding inihandang standby generator sets sakaling makaranas ng power failure. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *