CSC pinayuhan ang mga Muslim na government workers na sundin ang Flexible Work Arrangements ngayong Ramadan
Pinapayuhan ng Civil Service Commission (CSC) ang mga kapatid na Muslim na nagtatrabaho sa gobyerno na sundin ang Flexible Work Arrangements (FWAs).
Ito ay batay sa inilabas na CSC Memorandum Circular No. 06, s. 2022 kasabay ng paggunita sa Holy Month of Ramadan.
Base sa CSC Resolution No. 81-1277, maaaring baguhin ng mga Muslim government worker ang nakagawiang pasok nito mula 7:30 a.m. – 3:30 p.m. nang walang noon break.
Tuwing Friday Prayer Day naman, pinapayagan ang mga empleyado na lumiban mula 10:00 a.m. hanggang 2:00 p.m. at i-adopt ang “flexitime” o pagkakaroon ng flexible working schedule mula 7:00 a.m. hanggang 7:00 p.m.
Inilabas ang nasabing polisiya para matiyak pa din ang maayos na delivery ng public services at masiguro din ang proteksyon sa kalusugan ng mga Muslim na manggagawa. (DDC)