3.4 percent inflation rate naitala noong Pebrero mas mataas kumpara noong Enero

3.4 percent inflation rate naitala noong Pebrero mas mataas kumpara noong Enero

Natapos na ang apat an sunod na buwan na pagbagal ng pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), naitala ang 3.4 percent inflation rate noong Pebrero.

Mas mataas kumpara sa 2.8 percent noong Enero.

Sa press briefing, sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa, pangunahing nag-ambag sa mas mataas na Indlation noong Pebrero ay ang food and non-alcoholic beverages gaya ng vegetables and tubes, karne, cereals at cereals products.

Tumaas din ang presyo ng gasolina at diesel noong Pebrero.

Gayundin ang gastusin para sa housing, water, at electricity. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *