P900K na halaga ng smuggled na sigarilyo nakumpiska sa Palawan

P900K na halaga ng smuggled na sigarilyo nakumpiska sa Palawan

Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police (PNP) ang mahigit P900,000 na halaga ng sigarilyo sa Bataraza, Palawan.

Matapos makatanggap ng impormasyon, nagsagawa ng operasyon ang PNP at ang Coast Guard Station Southern Palawan (CGSSP) sa Brgy. Marangas.

Nadatnan ng mga otoridad ang inabandonang 65 master cases sa loob ng maliit na warehouse.

Agad nagsagawa ng inspeksyon, inventory at profiling sa mga nakumpiskang sigarilyo bago ito inilipat sa pag-iingat ng Bureau of Customs (BOC).

Patuloy pa ang imbestigasyon para matukoy kung sino ang nasa likod ng mga kontrabando. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *