Expansion ng VICT sa Australia pinangunahan ni Pang. Marcos
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng phase 3 expansion ng Victoria International Container Terminal o VICT sa Australia.
Ang VICT na subsidiary ng Manila-based International Container Terminal Services Incorporated (ICTSI) sa Melbourne, Victoria, Australia ang unang fully automated container terminal sa nasabing bansa.
Sa kaniyang talumpati, binanggit ng pangulo ang global success ng ICTSI sa paggamit ng modern technology sa operasyon nito.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang paggamit ng modern equipment ng VICT ay nagresulta sa pagbibigay ng mas ligtas na working environment, napababa ang posibilidad ng occupational hazards at napabuti ang health at lifestyle ng mga manggagawa.
Ang ICTSI ang isa sa pinakamalaking independent terminal operators na mayroong 33 terminals sa 19 na bansa sa mundo.
Ayon sa pangulo, ang expansion ng naturang kumpanya ay patunay na ang mga Pinoy ay kayang makipagsabayan sa advanced economies sa mundo. (DDC)