Sen. Marcos at Vice Mayor Aguilar namahagi ng P9M cash assistance ng AICS program sa Las Piñas

Sen. Marcos at Vice Mayor Aguilar namahagi ng P9M cash assistance ng AICS program sa Las Piñas

Umabot sa 3,000 na Las Piñeros mula sa iba’t ibang sektor ang nakatanggap ng pinansiyal na tulong ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas, sa Verdant Covered Court, Barangay Pamplona Tres nitong Pebrero 16 at 18.

Personal na pinangasiwaan nina Senador Imee Marcos at Vice Mayor April Aguilar ang pamamahagi ng tig-P3,000 na cash assistance sa mga senior citizen, person with disability (PWD), solo parent, TODA, at iba pang nangangailangang residente sa lungsod bilang bahagi sa patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa mga mamamayan nito lalo na ngayong patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at produktong petrolyo sa bansa.

Ang magkatuwang na hakbang nina Sen. Marcos at Vice Mayor Aguilar ay pagsiguro sa epektibong pagpapatupad ng AICS program sa Las Piñas upang tulungan ang mga nangangailangang Las Pinero sa pamamagitan ng tulong medikal,ayuda sa pagpapalibing, suporta sa transportasyon, edukasyon,pagkain, financial assistance at iba pang serbisyo ng kagawaran para iparamdam ang suporta nito sa komunidad at ipakita ang masigasig na pagtugon ng gobyerno sa mga isyu o problemang kinakaharap ng mamamayan.

Tinutukan ng senador ang nasabing aktibidad upang paigtingin ang AICS program at pagtibayin pa ang suporta ng pambansang gobyerno sa mga inisyatiba ng lokal na pamahalaan para pagaanin ang nararanasang hirap ng maraming Pilipino.

Ang tagumpay nang isinagawang dalawang araw na programa sa Las Pinas ay bunsod ng magkatuwang na na pamamahala at positibong epekto sa buhay ng libu-libong Las Piñeros.

Samantala sa patuloy na kaunlaran ng lungsod at pagtugon sa mga isyung panlipunan, binigyang-importansiya ng lokal na pamahalaan ang tuluy-tuloy na pagsiguro at pagpaprayoridad nito sa kapakanan ng mga nangangailangang residente na tugunan ito ng malasakit at mahusay.

Nabatid na umabot sa kabuuang P9-million cash assistance ng naturang programa ang naipamahagi sa 1,000 na benepisyaryong Las Piñero noong Pebrero 16 at 2,000 na iba pa nitong Peberero 18. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *