Mga laruan na ibinebenta sa mababang halaga, maaaring delikado sa kalusugan ng mga bata

Mga laruan na ibinebenta sa mababang halaga, maaaring delikado sa kalusugan ng mga bata

Nagpahayag ng pagkabahala ang grupong BAN Toxics sa mga laruang ibinebenta sa mababang halaga sa lalo ngayong papalapit na ang pasko.

Ngayong ginugunita ang National Children’s Month, hinikayat ng grupo ang mga local government officials na magsagawa ng on-site inspections sa mga tindahan ng mga laruan para masigurong ligtas ang mga ito para sa mga bata.

Nagawang idokumento ng grupo ang mga ibinebentang laruan sa mababang halaga.

Ang iba ay 3 pcs for P100, 4 pcs for P100, at ang iba ay 35 at 50 pesos kada isa.

Ayon sa BAN Toxics karamihan sa mga laruan ay walang karampatang labeling information, na malinaw n apaglabag sa Toy and Game Safety Labeling Law.

Sa ilalim ng RA 10620 nakasaad na dapat sumunod ang toy manufacturers sa paglalagay ng labeling information, gaya ng license to operate (LTO) number, age grading, cautionary statements/warnings, instructional literature, manufacturer’s marking, at iba pa.

Ayon kay Thony Dizon, Toxics Campaigner ng BAN Toxics, ngayong palapit na ang Pasko, dapat ay gumawa ng hakbang ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pagkakaroon ng market monitoring para matiyak na nababantayan ang kalidad ng mga ibinebentang produkto. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *