DA-4A, binabantayan ang presyo ng abono kaugnay sa pagpapatupad ng Fertilizer Voucher Program
Nagsagawa ng random Fertilizer price monitoring ang mga kawani ng Department of Agriculture IV- CALABARZON (DA-4A) Rice Program noong ika-7 ng Setyembre, 2023, sa mga bayan ng Naic, Tanza at Maragondon, Cavite.
Ito ay upang mabantayan ang presyo ng abonong binebenta ng mga merchants na nakakontrata sa kagawaran gamit ang mga ipinamahaging Fertilizer Discount Voucher (FDV).
Ang mga FDV na ipinamamahagi ng kagawaran sa mga magpapalay ay karagdagan tulong pambili ng abono sa mga otorisadong supplier. Ang bawat FDV ay may karampatang halaga na maaring ibili ng abono para sa kanilang palayan.
Ang mga benepisyaryo ng FDV ay mga magpapalay na rehistrado ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at National Farmers and Fisherfolk Registry System (NFFRS), at may hindi bababa sa limang ektaryang sakahan para sa mga hindi miyembro ng isang cluster. Para sa mga kwalipikadong magsasaka makipag-ugnayan lamang sa sa kani-kanilang City/Municipal Agriculturist Office ukol sa pamamahagi o iskedyul ng distribusyon.
Samantala, ang tatlong otorisadong supplier na nabisita para sa isinagawang bantay-presyo ay ang Arandia’s Agricultural Supply ng Maragondon, Leroi Farmstore Corporation ng Tanza, at Farm Solutions Agrovet & General Merchandise ng Naic.
Base umano sa ginawang monitoring, ang presyo ng bawat abono ng mga nasabing supplier ay pasok sa itinakdang presyo nito. (JR Narit)